School polo shirt na suot ni Chito Miranda sa 2005 ‘Bagsakan Music Hit’, naibenta sa halagang P150-K

School polo shirt na suot ni Chito Miranda sa 2005 ‘Bagsakan Music Hit’, naibenta sa halagang P150-K

NAIBENTA sa auction ng Parokya ni Edgar lead singer na si Chito Miranda ang kanyang school polo shirt sa halagang P150-K

Ang polo shirt na suot ng singer-songwriter ay ginamit pa sa 2005 music hit na “Bagsakan” na talaga namang tumatak at sumikat sa kanilang panahon.

Ayon sa singer, hindi niya inaasahan na maibenta ito ng ganung halaga at nagulat ito sa bilang ng nag-bid kung kaya isinali rin nito ang kanyang slacks at cap at ibinigay sa nakabili.

Matatandaan na nagkaroon ng fundraising ang iba’t ibang artist na nagtatampok naman sa mga OPM songs alay para sa kaibigan at kapwa artist nilang si Gab.

Nagpasalamat naman ang singer sa lahat ng nagsumite ng kanilang mga bid at ang mga nanalo, at idinagdag na ang pera na kanilang nalikom ay magiging isang malaking tulong para sa kanilang kabanda na si Gab Chee Kee.

 

Follow SMNI News on Twitter