BAGAMA’T makakabalik na muli si Seungkwan para sa group activities ng Seventeen mula sa isang hiatus ay ang leader naman nila na si Scoups ang hindi makakasama sa majority ng kanilang schedules.
Ito’y dahil nagkaroon si Scoups ng knee injury matapos naglaro ng ball game para sa isang content shoot.
Kahit ninanais ni Scoups ang makasama sa activities ng grupo ay tiniyak ng talent agency nito na Pledis Entertainment na titimbangin nila ang attendance ng singer upang hindi maaalanganin ang kaniyang kalusugan.
Sikat ang Seventeen sa mga kanta tulad ng “Aju Nice”, “Pretty U”, “Home”, “Don’t Wanna Cry”, “Hot”, at “Super”.