Screening ng reunion film ng JoshLia tandem, malapit na!

Screening ng reunion film ng JoshLia tandem, malapit na!

MALAPIT nang matutunghayan sa mga sinehan ang reunion film nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Sa anunsiyo, ngayong Agosto 14 ang unang screening ng “Un/Happy for You”.

Ito na ang pinakalatest na pelikula ng dalawa dahil huli itong nagkasama noong 2020 para sa horror/action film na “Block Z”.

Matatandaan namang taong 2016 nang unang magkatambal para sa romantic/comedy film na “Vince and Kath and James” sina Joshua at Julia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble