Screening sa mga bakanteng posisyon sa Gabinete, tatapusin bago ang 2023

Screening sa mga bakanteng posisyon sa Gabinete, tatapusin bago ang 2023

INIHAYAG ni Presidential Chief Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na tatapusin ang screening sa mga itatalagang opisyal ng gobyerno sa katapusan ng 2022.

Sa kanyang programa sa SMNI News, sinabi ni Enrile na dapat talagang isailalim sa intelligence scrutiny ang mga opisyal na itatalaga lalo na sa mga sensitibong posisyon sa pamahalaan.

Ani Enrile, kaya nagkakagulo sa pagtatalaga ng mga myembro ng Gabinete dahil sa agarang pagpapaalis sa mga opisyal ng pinalitang administrasyon kahit na wala pang itinalaga ang bagong administrasyon.

At ito aniya ang kanilang inaayos ngayon matapos palitan si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa pwesto.

 

Follow SMNI News on Twitter