SDG Murals sa Manila Clock Tower Museum, bukas na sa publiko

SDG Murals sa Manila Clock Tower Museum, bukas na sa publiko

BUKAS na sa publiko ang ResiliArt Learning Space sa Manila Clock Tower Museum bilang suporta sa Sustainable Development Goals ng United Nations.

Pinangunahan ang nasabing pagbubukas ng International Theater Institute-Philippine Center (ITI-PH Center) at ng Earth Savers Movement.

Sa pagpasok sa Manila Clock Tower Museum, bubungad na agad ang mga mural ng SDG.

Sumasalamin ang mga obra sa proteksiyon ng mga tao at planeta habang isinusulong ang kapayapaan at kasaganaan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan.

Ayon kay, Joey Lina, presidente ng International Theater Institute-Philippine Center na ang SDG Murals ay magpapaalala ss taumbayan na ang mga tao sa mundo ay may karapatan sa isang magandang planeta.

Kasabay ng inagurasyon ng mga mural ay ang pagbubukas ng bagong opisina ng ITI Philippine Center at ng Earth Savers Movement sa loob mismo ng museo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble