SEA Games champion shoes ni EJ Obiena, ipapa-auction para itulong sa mga atleta

SEA Games champion shoes ni EJ Obiena, ipapa-auction para itulong sa mga atleta

IPAPA-auction ni Filipino pole vaulter champion Ernest John ‘EJ’ Obiena ang kaniyang sapatos na ginamit para makuha ang kaniyang gold medal sa nagpapatuloy na 32nd SEA Games sa Cambodia.

Ayon kay Obiena, ang malilikom na pera mula rito ay gagamitin para bumili ng pole vault pit para sa mga kabataan sa Tuguegarao City sa Cagayan Valley.

Sa edisyon ng SEA Games 2023, nagawang nai-clear ni Obiena ang 5.65 meters, itinuturing naman ito na pinakabagong record ng SEA Games.

Ito rin ang ikatlong gold ni Obiena sa SEA Games matapos manalo noong 2021 SEA Games sa Vietnam at 2019 SEA Games sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter