SEA Games medalists, makatatanggap ng cash incentives– Senator Angara

SEA Games medalists, makatatanggap ng cash incentives– Senator Angara

MAKATATANGGAP ng cash incentives ang mga atleta na makakapag-uwi ng medalya ng 31st Southeast Asian Games (SEA Games) ayon kay Senator Sonny Angara.

Matatandaan na si Angara ang sponsor at ang may akda ng Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Sa ilalim ng batas,  ang mga gold medalist ay makatatanggap ng P300,000 habang ang makatatanggap ng silver ay mayroong P150,000 habang P60,000 naman para sa mga bronze medalist.

Una nang binati ni Angara si Mary Francine Padios dahil sa pagkasungkit ng gold medal ng bansa sa ginaganap na SEA Games sa Hanoi Veitnam dahil sa kaniyang outstanding performance sa Pencak Silat Women Artistic Singles Finals.

“Congratulations to Mary Francine Padios for giving the country its first gold medal in the ongoing SEA Games with her masterful performance in the Pencak Silat Women Artistic Singles Finals. We expect to see more victories by our Philippine Team and hopefully, even surpass the 149 gold medal haul in the 2019 games,” pahayag ni Angara.

Ilan pa sa mga medal winners ay ang Philippine men’s beach handball team at men’s lightweight double sculls.

Ayon kay Angara, ang mga teams na may lima o higit pang participants ay entitled na makatanggap ng 25 percent cash incentives para sa mga individual medal winners.

Sa mga kompetisyon na may lima pababang participants ay makatatanggap ng magkaparehong insentibo bilang individual medal winners na kanilang paghahati hatian.

Sa ilalim din ng batas, ang coach ng mga winning athletes ay makatatanggap ng cash incentives na equivalent sa 50 percent ng cash reward para sa gold, silver at bronze medalist.

Ani Angara, mas mainam na mapataas pa ang matatanggap ng mga medal winners.

Sa kaniyang panukala o Senate Bill No. 1225, nais nitong maipataas sa 400,000 ang matatanggap ng gold medalist, P200,000 sa silver medalist at  P100,000 sa bronze medalist.

Follow SMNI News on Twitter