SEA Games silver medalist na si Johanna Uy at ina, patay sa sunog sa QC

SEA Games silver medalist na si Johanna Uy at ina, patay sa sunog sa QC

PATAY ang 2-time 2019 SEA Game silver medalist athlete na si Johanna Uy nang matupok ng apoy ang bahay nito.

Nangyari ang insidente sa Barangay Mariana sa Quezon City madaling araw ng Miyerkules, Pebrero 9.

Kasama din sa nasawi sa naturang insidente ang ina ni Johanna na si Helen Uy.

Na-trap ang dalawa sa loob ng bahay nang mangyari ang sunog at hindi na nagawang makalabas pa.

Nagpahayag naman ng pagdalamhati ang Philippine Sports Commission sa sinapit ng underwater hockey player at ng ina nito.

Nanalo si Uy ng dalawang silver medal sa women’s 4×3 at women’s 6×6 sa underwater hockey competition nakaraang Southeast Asian Games 2019 na isinagawa sa Pilipinas.

Nagawa namang makatakas ang katulong ng mga biktima sa bahay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, nagsimula ang apoy sa unang palapag ng bahay ng mga biktima alas 5:00 ng umaga.

Umabot ang apoy sa unang alarma bago lubusang maapula alas 6:20 ng umaga.

 

Follow SMNI News on Twitter