Guidelines sa tourist destinations sa bansa, bubuuin matapos ang isyu ng overpricing ng seafood sa Virgin Island

Guidelines sa tourist destinations sa bansa, bubuuin matapos ang isyu ng overpricing ng seafood sa Virgin Island

BUMUO na ng technical working group ang Department of Tourism (DOT) para bumuo ng isahang guidelines para sa tourist destinations sa bansa.

Kasunod ito ng overpricing na ginawa ng mga seafood vendor sa Virgin Island sa Panglao Bohol.

Sa Facebook post ng isang Vilma Uy sa Facebook, makikita na umabot sa P26,000 ang nabayaran niya sa isla.

“The approach really needs to be holistic, we cannot leave anyone behind in trying to resolve this issue,” saad ni DOT Sec. Christina Garcia Frasco.

Para kay Frasco, kailangan maturuan ang lahat ng stakeholders sa ‘Filipino brand’ of service para maiwasan ang ganitong mga isyu.

‘’I have already directed our regional office training on the Filipino brand of service to the stakeholders involved in the alleged overpricing. So what we anticipate is that we would be able to improve the experience din ng ating mga turista in these destinations,” pahayag ng kalihim.

May mga panawagan na ngayon na parusahan ang mga nag-overprice ng seafood sa Virgin Island.

Ngunit para kay Sec. Frasco, nasa lokal na pamahalaan ang hurisdiksyon sa mga vendor.

Sa usapin naman ng overpriced seafoods, Department of Trade and Industry (DTI) aniya ang nakakasakop dito.

“To the extent that the Department of Tourism can be involved is to have a proactive effort at helping both the local government units and the stakeholders improve the standards of treating our tourists in their destinations and that is why we are facilitating the training for the Filipino brand of service at the same we are facilitating these agency technical working group,” ani  Frasco.

Sa ngayon, ipinasara muna sa mga turista ang Virgin Island dahil sa insidente.

 

Follow SMNI News on Twitter