INILABAS na ang ticket prices at seatplan sa upcoming concert ng South Korean rapper na si B.I sa bansa.
Ito ay bilang parte sa selebrasyon ng 2025 B.I, at malapit na ngang ma-experience ng IDs in the Philippines ang live performance ng sikat na rapper.
Ang multi-talented na si Kim Han-Bin o B.I ay isa ring singer, songwriter at record producer na kilala sa kanyang major hits na “My Type,” “Rhythm Ta, “Dumb & Dumber,” at ang pinaka-viral na “Love Scenario.”
Sa announcement ng Three Angles Productions, magaganap ang “The Last Parade Tour” ni B.I sa Maynila ngayong August 30 sa SM North EDSA Skydome.
Kaya mark your calendar IDs dahil magsisimula na ang ticket sales ng concert this July 12 sa kanilang official ticket outlets.