Sec. Enrile, hindi pabor sa Land Bank at DBP merger

Sec. Enrile, hindi pabor sa Land Bank at DBP merger

HINDI pabor si Chief Presidential Legal Adviser Sec. Juan Ponce Enrile sa nakatakdang merger sa pagitan ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Sa kaniyang programa sa SMNI News, kinuwestiyon ni Enrile ang gagawing merger dahil mayroon pang pondo sa Land Bank ang United Coconut Planters Bank (UCPB) na aniya’y nilugi noon ng Philippine Commission on Good Government (PCGG).

Giit pa ni Enrile, sino ang mananagot sa nangyari sa UCPB dahil tiyak na sa gagawing merger ng Land Bank at DBP ay mabubura lahat ang nangyari noon sa UCPB.

Binigyang-diin ni Enrile na kapag mangyari ito ay isa itong maituturing na inhustisya lalo na sa mga magsasaka ng niyog na nag-invest noon sa UCPB na ngayon ay hawak na ng Land Bank.

Kaugnay nito, ipinunto ni Enrile na ang merger ng UCPB sa Land Bank ang magiging balakid sa isinusulong ngayon na merger ng Land Bank at DBP.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter