INALERTO ni Department of Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco ang publiko hinggil sa isang pekeng social media account na nagpapanggap na siya.
Ang naturang pekeng account ani Frasco sa pamamagitan ng nai-post niyang screenshots ay sinusubukang hikayatin ang isang tao na pumasok sa isang money-making scheme.
May username aniya itong christin.afrasco at may limang libo nang followers.
Dahil dito, sinabi ni Frasco na sakaling makatanggap ng mensahe mula sa fake account ay ipagbigay-alam agad ito sa mga awtoridad.