Sec. Harry Roque, negatibo sa COVID-19 RT-PCR Test

Sec. Harry Roque, negatibo sa COVID-19 RT-PCR Test

MALUGOD na inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na negatibo ang resulta ng kanyang RT-PCR Test na isinagawa sa Taguig City nitong Martes.

 

Ayon kay Roque,  patuloy pa rin ang kanyang pag-iingat at sasailalim pa rin siya sa rapid test bago ang pagpupulong mamaya kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Dagdag pa ng Palace spokesman, bilang bahagi ng precautionary measure, pupuwesto siya sa pinakadulo ng kuwarto at piiralin ang health protocol gaya ng pagsusuot ng mask, didistansya sa iba at palagiang maghugas o mag-sanitize ng kamay.

 

Matatandaang nakasama ni Roque si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar sa isinagawang contract signing at ground breaking ceremony ng CAVITEX Segment 2 and 3A nitong Biyernes.

 

Kaninang umaga nang inanunsyo ng Public Works Secretary na positibo siya sa COVID-19 test.

 

Samantala, lumabas sa swab test ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na negatibo rin siya sa nakahahawang sakit.

 

Matatandaang sumailalim si Lorenzana sa self-quarantine matapos matamaan ng COVID-19 ang isa sa kaniyang staff.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.