IMINUNGKAHI ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon sa Kongreso na isali sa pag-amyenda ang political provisions ng Konstitusyon sa gitna ng isinusulong na Charter Change.
Kabilang sa isinusulong ni Gadon ang isang parliamentary form of government.
Inihirit din ng kalihim ang term extension para sa mga miyembro ng Kamara at lokal na opisyal ng anim na taon gayundin ang pagdaragdag ng bilang ng mga senador, mula 24 ay gagawing 48.