Sec. Remulla, inatasan ni PBBM na isailalim sa preventive suspension si BuCor Chief Bantag

Sec. Remulla, inatasan ni PBBM na isailalim sa preventive suspension si BuCor Chief Bantag

INIHAYAG ni Justice Secretary Boying Remulla na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isailalim sa preventive suspension si BuCor Chief Gerald Bantag.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng sinasabing “middleman” sa pagpaslang sa broadkaster na si Percy Lapid.

Ang “middleman” ay binawian ng buhay sa NBP Hospital ayon sa kalihim.

Ayon sa kalihim, ang preventive suspension kay Bantag ay igagawad habang gumugulong ang partial investigation sa naging dahilan ng pagkamatay ng “middleman.”

Sinabi naman ni Remulla na wala pang resulta ang autopsy ng bangkay ng “middleman” kaya hindi pa nila masabi kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, nagsagawa ng panibagong operation greyhound ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa loob ng Manila City Jail Male Dormitory ngayong araw.

Ayon sa pulisya, ang pinaigting na operasyon sa loob ng bilangguan ay ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ilan sa mga nakumpiskang items sa ngayon ay shards glass, sharp at pointed objects gaya ng shaver, mga lapis, ice pick, scissors, electric wires at improvised heaters.

Nilinaw naman ni Manila City Jail Officer Elmer Jacobe ang operation greyhound ay walang kinalaman sa pagkamatay sa loob ng New Bilibid Prison ng “middleman” na sangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Follow SMNI News on Twitter