Sec. Remulla, nagpakitang muli sa DOJ pagkatapos ng 4 na buwan

Sec. Remulla, nagpakitang muli sa DOJ pagkatapos ng 4 na buwan

MULA sa malusog at malaking pangangatawan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ay makikitang malaki na ang ipinayat niya nang magpakita siya ngayong araw sa Department of Justice (DOJ)– apat na buwan mula nang huli siyang makita sa naturang ahensiya.

Bago sa DOJ, ay nagtungo muna siya sa Malacañang kahapon.

Ang mga netizen, hindi napigilang magulat at mag-alala na rin sa kanIyang kalagayan.

Sabi pa nga ng ilan – mas maiging mag-resign na lang ang kalihim para maasikaso nito ang kaniyang sarili.

Pero ayon sa isang mensahe mula kay DOJ Usec. Margarita Gutierrez, maayos naman ang lagay ngayon ni Secretary Remulla.

“He (Sec. Remulla) is actually healthier now and in good spirits.  He’s really focusing on his health and wellbeing now,” ayon kay Usec. Margarita Gutierrez, Department of Justice.

Matatandaang sumailalim sa heart procedure si Remulla nitong nakaraang taon.

Pero simula noon ay on and off na ito sa loob ng tanggapan ng DOJ.

Buwan ng Marso nang huling magpakita sa media si Remulla. Kasabay nun ang pag-anunsiyo niya ng paghahain ng kaso laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kasunduan para palakasin ang paraan ng pagtukoy ng dahilan ng pagkamatay ng mga PDL, nilagdaan sa DOJ

Kasabay naman ng muli niyang pagpapakita sa DOJ ngayong araw ay personal niyang nilagdaan kasama ang UP Manila at United Nations Office on Drugs and Crime ang “Declaration of Cooperation” – isang tripartite agreement para sa pagpapalakas ng paraan sa pagsusuri ng dahilan ng kamatayan ng mga Persons Deprived of Liberty.

“The idea here is not actually investigate the deaths principally, its more to determine science, forensic science the true causes of the deaths because that way in a general context also a good will measure in respect to all kinds of deaths whether its respect with the PDLs, even later on the broader context once we have capacitated the number of Filipino forensic doctors,” saad ni Usec. Raul Vasques, DOJ.

Pagkatapos ng signing ay minabuti ng DOJ na huwag na muna siyang isalang sa media briefing.

DOJ, iwas sa pagbibigay ng posisyon kung dapat na nga bang ipasara ang POGO sa bansa

Samantala, pagdating naman sa isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators ay tila iwas ang DOJ na magbigay ng posisyon kung dapat na nga bang ipasara ang POGO dahil sa napapaulat na mga kriminalidad na may kinalaman dito.

Ayon kay Vasquez, mas maiging mapakinggan ang sasabihin ng mga economic managers.

“Inaaral namin ‘yung lahat ng mga pamamaraan tungkol sa lahat ng kung bakit mataas ang kriminalidad at may problema ‘yung peace and order natin. And being the lead government agency, ay kasama na ‘yan ‘yung mga paraan para masugpo ‘yung pulo’t dulo ng problema,” ani Vasques.

“Kung may posisyon na ba ang Department of Justice tungkol sa pagkasara ng mga POGO, ‘yan po ay isang economic issue na dapat ang ating mga economic managers ang dapat pakinggan nang mas matindi. Kami po naman ay susunod lamang kung anuman ang magiging polisiya ng ating gobyerno at handa po kaming gampanan ang trabahong ‘yan,” aniya.

Pero pagdating sa legal opinyon, ayon kay Vasques, dapat na balensahin ang pros and cons ng mga POGO company sa bansa.

“Tama din naman yong PAGCOR marami din tayong natatanggap na revenue mula sa mga legal na POGO. Unfortunately, marami illegal na POGO at marami po ‘yang social cost so sa tingin namin kailangan talagang balansehin ‘yong benefits at social cost pgadating nga sa expenses diyan tungkol s a law an order and security etc. Maraming bagay na titingnan kung ano ba talagang polisiya ang susundin sa bagay na iyan,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble