PAYAG si Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na tumakbo bilang senador sa 2022 Presidential Elections.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi nitong nakahanda siyang manilbihan bilang isang mambabatas.
Aniya, mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-alok sa kaniya na tumakbo sa pagka-senador.
Pangunahing tututukan ng kalihim ang libreng edukasyon para sa mga mahihirap na mga estudyante sa bansa.
Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pag iikot ng kalihim sa iba’t ibang panig ng bansa upang ipaabot ang mga tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.