NAGBUKAS na ang sesyon sa Kamara para sa second regular session ng 18th Congress.
Alas 10 ng umaga nang mag-resume ang sesyon sa pangunguna ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sa mensahe nito, nanawagan ng pagkakaisa si Cayetano sa lahat para malampasan ang hamon na dala ng COVID-19 pandemic.
Mungkahi din nito na palakasin ang agriculture, tourism at manufacturing sectors para sa pagbangon ng ekonomiya dahil sa virus.
Handa naman ang Kongreso na mag-adapt sa mga panukala na dapat maipasa para sa COVID- 19 response.
Nasa 26 na kongresista naman ang nasa loob ng plenaryo sa pangunguna ni Speaker Cayetano.
Kasama sana sa listahan si Deputy Speaker Johnny Pimentel pero lumitaw na positive ito sa COVID- 19 matapos sumalang sa RT-PCR Testing kahapon.
[su_slider source=”media: 4621,4622,4623,4626,4624,4625″ limit=”26″ link=”post” width=”1600″ height=”860″ pages=”no” mousewheel=”no” autoplay=”3000″]