MATATANGGAP na ng Sri Lanka ang second tranche ng kanilang $2.9-B na bailout package mula sa International Monetary Fund (IMF).
Ang second tranche ay katumbas ng $337-M mula sa $2.9-B na bailout package.
Sa pahayag ng IMF, nagpakita ng pag-unlad tungo sa debt sustainability, pagkakaroon ng financial stability safeguard at iba pa ang Sri Lanka kung kaya’t ini-release na ang second tranche ng bailout package.
Noong buwan ng Marso ay nauna nang nakatanggap ng $330-M ang Sri Lanka.
Ginagamit ng Sri Lanka ang pondo para maisaayos ang kanilang ekonomiya na lubos na naapektuhan dahil sa COVID-19.