Security agency na sangkot sa insidente sa Masungi Georeserve, pagpapaliwanagin ng PNP

Security agency na sangkot sa insidente sa Masungi Georeserve, pagpapaliwanagin ng PNP

SASAILALIM sa administrative proceeding ang Sinagtala Security Agency na sangkot sa umano’y pagkubkob sa bahagi ng conservation area ng Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nais nilang malaman kung bakit walang dalang firearms registration ang anim na security guard nang inspeksyunin ito.

Nabatid na aabot sa 15 baril ang nakuha ng Police Regional Office (PRO) 4A sa mga guwardiya sa lugar.

Sinabi naman ni Fajardo na sa kanilang ginawang validation ay napag-alaman na valid ang mga baril hanggang 2024 pero kailangan pa ring ipaliwanag kung bakit hindi dala ang kanilang firearms registration.

Samantala, pinaigting na ng PRO 4A ang seguridad sa lugar upang matiyak ang kaayusan.

Follow SMNI NEWS in Twitter