Security alert level sa Rizal, Cagayan, posibleng itataas dahil sa ulat ng patayan

Security alert level sa Rizal, Cagayan, posibleng itataas dahil sa ulat ng patayan

TINITINGNAN ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad na itaas ang security alert level sa Rizal, Cagayan kasunod ng pagpatay kay Mayor Joel Ruma.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, kasalukuyan nilang sinusuri kung dapat ilagay ang Rizal sa ilalim ng ‘red category’ o ilagay ito sa ilalim ng COMELEC control.

Sinabi ni Garcia, pagbabatayan nila ang ulat na isusumite ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng insidente para sa magiging desisyon nila rito.

Ang mga lugar sa ilalim ng red category ay ang mga lugar na may mga naitalang insidente ng karahasan sa halalan sa nakaraang dalawang eleksiyon.

May seryosong banta rin ito mula sa mga grupong komunista at iba pang armadong grupo.

Si Rizal, Cagayan Mayor Joel Ruma ay pumanaw matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang nasa isang campaign sortie noong April 23, 2025.

Naganap ang insidente sa Brgy. Illuru Sur, bandang alas nuwebe ng gabi.

Ayon sa pulisya, agad dinala si Ruma sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble