HUMINGI ng paumanhin ang isang gwardiya ng mall na sangkot sa viral na “sampaguita girl” video.
Inamin ng guwardiya na naubos ang kaniyang pasensiya kaya nagawa niyang sirain ang panindang sampaguita at itinaboy ang bata.
Ayon sa security agency, hindi pa tinanggal ang guwardiya ngunit siya ay nasa off-detail at pansamantalang suspendido habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Ipinahayag ng ahensiya na magpapatupad sila ng mga karagdagang programa at pagsasanay para sa kanilang mga tauhan upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap.