Security guard na wanted sa kasong murder, nahuli ng CIDG

Security guard na wanted sa kasong murder, nahuli ng CIDG

ARESTADO ang isang security guard na matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong murder.

Kinilala ni PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. ang akusado na si Alvin Rojas Ruado, itinuturong lider ng “Burdado Criminal Gang” na binubuo ng private security guards.

Ang kanilang grupo ay sangkot sa serye ng gun-for-hire at gun-running sa National Capital Region (NCR), Regions 3, 4A, at 5, at mga kalapit na lungsod at lalawigan.

Si Ruado ay itinuturing na Top 3 Regional Most Wanted Person ng Bicol Region, Top 4 Provincial Most Wanted Person ng Masbate Police at Top 2 Municipal Most Wanted Person ng Mandaon.

Nabatid na 10 taong nagtago sa batas si Ruado hanggang sa nahuli sa isang mall sa North Avenue, Quezon City.

Dinala na ang akusado sa CIDG NCR Quezon City District Field Unit (QCDFU) para sa proper documentation at disposition.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter