KINAKAILANGAN na mapataas ang national average ng ani ng palay upang makamit ang 20 pesos per kilo na bigas.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So sa panayam ng SMNI News, susi sa pagpapataas ng national average ng ani ay ang pagtutok sa seed production.
Ikinatuwa man ni So na handang tumulong ang ibang bansa gaya ng Israel sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas subalit sinabi niya na mas kinakailangan pa ring matutukan ang pagkakaroon ng magandang uri ng binhi para lumaki rin ang produksyon.
Kung matagumpay na matutukan ang seed production ng palay, makakamit na hanggang P27.50 ang presyo ng bigas sa susunod na taon.
Sa mga kagamitan na kinakailangan, sinabi ni So na maganda magkaroon ng dryer ang mga magsasaka.