Seguridad at kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy, iginiit ng bagong pinuno ng PCG

Seguridad at kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy, iginiit ng bagong pinuno ng PCG

IGINIIT ng bagong talagang commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) na si Admiral Ronnie Gil Galvan na palalakasin nito ang karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ito ni Galvan sa pakikipagkita kina National Security Adviser (NSA) Sec. Eduardo Año at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Ricardo de Leon.

Ani Galvan, dapat paigtingin pa ng Pilipinas ang laban nito sa WPS lalo na para sa mga mangingisdang Pinoy.

Nauna na niyang idiniin na wala siyang gagawing desisyon para ipahamak ang bansa at hindi nito hahayaan na maagaw ng alinmang bansa ang anumang pag-aari ng Pilipinas.

Sa ilalim ng kaniyang termino, nangako si Galvan na tututukan nito ang maritime programs ng PCG hanggang sa inaasam na modernisasyon nito.

Follow SMNI NEWS on Twitter