Seguridad ng mga bibisita sa mga sementeryo ngayong Undas, tiniyak ng QC gov’t

Seguridad ng mga bibisita sa mga sementeryo ngayong Undas, tiniyak ng QC gov’t

TINIYAK ng Quezon City government na sapat ang kanilang mga tauhan na idedeploy sa mga sementeryo o kolumbaryo.

Ito ay bilang bilang paghahanda sa drating na Undas at para matiyak ang seguridad ng mga bibisita.

Nasa 384 na mga miyembro ng Quezon City Law and Order Cluster ang naka-standby sa iba’t ibang sementeryo.

Samantala, nag-ikot ang ‘QC Task Force Disiplina’ sa Bagbag Public Cemetery upang mag-inspeksyon para sa pagdasa ng mga bibisita.

Nagsagawa rin ng ‘Oplan Kaluluwa’ ang Quezon City Fire District, kung saan sila ay nagbantay sa kahabaan ng Katipunan Ave.

Namahagi rin ang mga ito ng assistance sa mga motorista at sasakyang nasiraan sa daan.

Patuloy ring mino-monitor ng QC govt. ang pagbabantay sa mga sementeryo.

 

Follow SMNI News on Twitter