Seguridad ng mga miyembro ng hudikatura, tiniyak ng PNP

Seguridad ng mga miyembro ng hudikatura, tiniyak ng PNP

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang pagprotekta sa mga miyembro ng hudikatura laban sa pagbabanta, pananakot, at mga krimen.

Kabilang na rin ang mga ginagawang pananakot sa pamamagitan ng internet at social media platforms.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, kinikilala nila ang hudikatura bilang isang independyente at natatanging sangay ng gobyerno, at pinahahalagahan ang kanilang papel sa demokrasya.

Sinabi ni Alba na tinitiyak nila sa Korte Suprema ang kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng hukuman para makapagpahayag ng mga desisyon nang walang takot sa paghihiganti laban sa kanila.

Kasabay nito, bibisitahin aniya ang Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) chiefs at district anti-cybercrime (DAC) team leaders ng PNP Anti-Cybercrime Group ang mga hukom at prosecutor upang mag-alok ng tulong at magbigay ng lecture sa cyber awareness.

 

Follow SMNI News on Twitter