PINATUTUTUKAN ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr. ang seguridad sa pagdaraos ng simbang gabi na magsisimula bukas, Disyembre 15.
Ayon kay Azurin, pinadaragdagan niya ang presensya ng mga pulis sa iba’t ibang simbahan sa bansa.
Dapat aniyang madaling makita ang mga police mobile sakaling kailanganin ng tulong ng publiko ay agad silang makakaresponde.
Kaugnay nito, ilalagay sa full alert status ang PNP upang matiyak ang seguridad ng publiko ngayong holiday season.
Ipakakalat ang 192,000 pulis o 85 percent ng kanilang pwersa sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular na sa pampubliko o matataong lugar.