PINAIGTING ngayon ang ipinapatupad na security measures sa Central Mindanao dahil sa posibleng paghihiganti na gagawin ng teroristang grupong Dawlah Islamiya.
Ito’y dahil nasa 23 miyembro ng kanilang grupo ang nasawi sa gitna ng sagupaan nito sa mga sundalo at sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay 6th Infantry Division (ID) Chief Brigadier Gen. Alex Rillera, katuwang nila rito ang local officials maging ang MILF at Moro National Liberation Front (MNLF).
Isa sa pinalakas ng 6thID kontra sa teroristang grupo ay ang kanilang foot patrols.