IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang mga mahahalagang prayoridad ng national budget para sa 2024.
Nitong ika-20 ng Disyembre, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang General Appropriations Act of 2024.
Ayon kay PBBM, magagamit ang pambansang pondong ito, hindi lamang para sa operasyon ng gobyerno, kundi para tugunan din ang pangunahing hamon sa bansa at ekonomiya.
Kabilang sa mahahalagang prayoridad ng budget ay ang seguridad sa pagkain, edukasyon, kalusugan, social protection, pagbabago ng klima, at regional development.
Iginiit naman ng Pangulo na dapat iwasan ng mga ahensya ng pamahalaan ang red tape at dapat pahalagahan ang responsable at ligal na implementasyon sa mga programa para sa mga Pilipino.