ITINAAS na ng Philippine National Police (PNP) ang alerto nito sa buong bansa sa pagsisimula ng Simbang Gabi ngayong Disyembre 16.
Layon nitong matiyak na magiging ligtas ang publiko sa nakaugaliang kultura ng pagsisimba sa panahon ng Kapaskuhan.
“We have increased police presence in churches and surrounding areas to ensure public safety throughout the Simbang Gabi period,” ayon kay PGen. Rommel Francisco Marbil, Chief, PNP.
Agad namang inatasan ng lahat ng foot at mobile patrols nito para sa pinaigting na police visibility laban sa kriminalidad sa ilalim ng Ligtas Paskuhan 2024.
Inaasahan ang dagsa ng tao sa mga simbahan at maging iba pang places of convergence dahil sa papalapit sa pagdiriwang ng Pasko.
“Police Assistance Desks (PADs) will be deployed near churches to assist the public, while foot and mobile patrols will be intensified in strategic areas, including public transport terminals, parking areas, and marketplaces,” wika ni PGen. Rommel Francisco Marbil, Chief, PNP.
Dahil sa pagsisimula ang malalaking aktibidad sa bansa mariing pinapayuhan ang publiko na agad na magsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para sa mabilis na pagtugon sa anumang uri ng kriminalidad.
“For emergencies, the public is urged to call the PNP Hotline or reach out to the nearest police station,” ani Marbil.
Nauna nang sinabi ng PNP na wala pa naman silang namo-monitor na banta sa seguridad ngayong holiday season.