Seguridad sa Traslacion 2025, all systems go na—PNP

Seguridad sa Traslacion 2025, all systems go na—PNP

ALL systems go na para sa Philippine National Police (PNP) ang latag ng seguridad para sa “Traslacion ng Poong Hesus Nazareno” para sa taong 2025.

Ayon sa PNP, humigit-kumulang 12 libong mga pulis ang kanilang ipakakalat mula sa bahagi ng Quirino Grandstand hanggang sa ruta ng prusisyon patungong Basilika Minore sa Quiapo.

Makakatuwang ng PNP ang kanilang PNP Intelligence Group (IG) at Anti-Cybercrime Group (ACG) para bantayan ang anumang potensiyal na banta, pisikal man o sa internet.

Kasama rin sa ipakakalat ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) para tumulong sa local traffic enforcer ng lungsod ng Maynila sa pagmamando ng trapiko gayundin sa pagpapatupad ng re-routing.

Umapela naman ang PNP sa mga lalahok na sumunod sa mga ipinagbabawal ng mga awtoridad at iba pang tagubilin para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng Traslacion.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter