Sektor ng agrikultura, dapat magkaroon ng bersyon ng Build Build Build

Sektor ng agrikultura, dapat magkaroon ng bersyon ng Build Build Build

DAPAT magkaroon ng bersyon ng Build Build Build program sa sektor ng agrikultura.

Ito ang payo ni outgoing Agriculture Secretary William Dar kay President-elect Bongbong Marcos.

Ayon kay Dar, ang kanyang suhestiyon ay para maisulong ang irigasyon na aabot sa 1.1 milyong ektarya ng mga lupang sakahan sa bansa.

Kung maisulong aniya ang maayos na irigasyon, malaki ang magiging ambag nito upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain.

Dapat aniya sa loob ng 6 na taon ay matapos na ang irigasyon sa 1.1 milyong ektaryang lupain.

Follow SMNI NEWS in Twitter