Sektor ng agrikultura sa Pilipinas, kailangan nang maisamoderno—DA

Sektor ng agrikultura sa Pilipinas, kailangan nang maisamoderno—DA

KAILANGAN nang maisamoderno ang istilo ng pagsasaka sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Laurel Jr. upang mahikayat na rin ang younger generation sa agri sector.

Ayon pa sa ahensiya, hakbang na rin ito upang mapalakas ang productivity at profitability ng agrikultura ng bansa.

Kasabay nito ay pinuri ni Laurel ang teknolohiya na ginamit sa Bataan gaya ng small water impounding systems, fertigation techniques, at drip irrigation.

Samantala, ninanais ni Laurel na madagdagan rin ang access ng DA sa government-backed loans maging ang pagbibigay ng sapat na crop insurance coverage para sa mga magsasaka.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble