ISINAGAWA sa Marikina Elementary School ang selebrasyon ng Global Handwashing Day 2022.
Layon ng programa na isulong ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay o handwashing para sa mas ligtas na paaralan at komunidad.
Dinaluhan ang selebrasyon ng mga opisyal at kinatawan mula sa Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), UNICEF, World Health Organization (WHO), at Marikina LGU.
Isinagawa ang ceremonial hand-washing activity upang ipakita ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay lalo sa mga mag-aaral ngayong nagsasagawa na ng face-to-face classes sa mga paaralan.