Selebrasyon ng Kadayawan Festival sa Davao City, sinimulan na

Selebrasyon ng Kadayawan Festival sa Davao City, sinimulan na

SINIMULAN na ngayong araw ang padiriwang ng Kadayawan Festival sa Davao City na pinangunahan ni Mayor Sara Duterte.

Sa pamamagitan ng isang flag raising ceremony ay binuksan na ang pagdiriwang ng lungsod para sa Kadayawan Festival na siyang pinakamalaki at makulay na festival sa lugar ngayong umaga sa Quezon Park.

Matapos ang flag raising ceremony isang tri faith prayer ang inihandog na sumisimbolo sa pagpapasalamat ng lungsod sa masaganang biyayang natatamo nito sa kabila ng mga sirkumstansyang kinakaharap ng bansa maging ng buong mundo ngayon.





Ang naturang aktibidad ay pasimula lang ng isang linggong selebrasyon mula Agosto  17 hanggang Agosto 24.

Matatandaan na medyo kakaibang Kadayawan Festival ang matutunghayan ngayong taon sa Davao City dahil sa kinakaharap na pandemya.

Gayun pa man, siniguro ng pamahalaang lungsod na magpapatuloy ang selebrasyon virtually o online.

Ayon kay Mayor Sara Duterte may mga naka lined-up na aktibidad para sa Kadayawan na mapapanood ng mga Dabawenyos mula sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng social media.

Punto pa ng alkalde na kailangan isagawa ang naturang pagdiriwang kahit online lamang sapagkat ito ay pagdiriwang para sa bountiful harvest at pag-alala sa cultural diversity ng mga indigenous peoples na humarap sa maraming kapagsubukan mula sa kanilang karapatan, ancestral domains maging ang kanilang access sa edukasyon at iba pang oportunidad.


Highlight ng pagdiriwang ngayong taon ay ang Kadayawan Music Video Competition, Kadayawan In Retrospect, Best of Kadayawan Events Viewing Party.

Matatandaan na nitong mga nakaraang taon daang-daang libong mga bisita ang dumarayo sa lungsod mula sa iba’t ibang lugar upang makipagdiwang at gunitain ang kultura ng labing isang tribu sa Davao City na binubuo ng anim na Moro tribes ito ang Tausug, Maguindanaon, Iranun, Kagan, Maranao and Sama at limang Lumad tribes  ang Klata, Ata, Ubo Manuvo, Matigsalog at Tagabawa.

Ngayong araw Agosto 17 ay ang “Pag-Abli sa Kadayawan” o ang Opening Ceremonies of Kadayawan 2020 na mapapanuod via zoom at Facebook live, at ang launching ng “Hulagway Kadayawan” o Photography Contest.”

Gayun din ang Kadayawan Museonline,” “Kadayawan Music Video Competition,” at “Challenge Accepted Kadayawan”;

Sa Agosto 18 naman ay ang “Kadayawan in retroSpect Part 1,” na isang special webcast series na nagpapakita ng mga personalidad na ibinabahagi ang kanilang memorable Kadayawan experience via FB live;

Sa Agosto 19 naman ang – “Best of Sayaw Kadayawan” na isang Cultural Dance Theatre Competition, na pinapakita ang highlights ng mga nakaraang competitions at ang “Best of Hiyas ng Kadayawan,” na highlights naman ng past pageants;

Sa Agosto 20 naman  “Kadayawan in Restrospect Part 2” at “Best of Habi Kadayawan,” featuring highlights ng past fashion accessories design competition;

Sa Agosto 21- ay ang awarding ng online events para sa “Tiktok Indak-Indak Kadayawan,” “Kadayawan Music Video,” at “Most Memorable Kadayawan Experience,” gayun din ang “Pahalipay sa Kadayawan Online: Paglaum Concert” o Concert of Hope Part 1;

Sa Agosto 22 – “Best of Indak-Indak Kadayawan,” na magpapakita ng highlights sa mga nakaraang Street Dance Competitions, at “Pahalipay sa Kadayawan Online: Paglaum Concert” o Concert of Hope Part 2;

At best of Pamulak sa Kadayawan  o Floral Float Parade at Best of Pitik sa Kadayawan Past, featuring highlights of past floral float parade at drumbeating competitions sa Agosto 23;

At panghuli o bilang pagtatapos naman ay ang Pasasalamat: o Honoring the Frontliners naman sa Agosto 24.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.