Sen. Alan Cayetano, pinasisiguro ang safeguards sa MIF

Sen. Alan Cayetano, pinasisiguro ang safeguards sa MIF

SINABI ni Senator Alan Peter ‘Compañero’ Cayetano na dapat bigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang pagpatutupad ng mga safeguards ng Maharlika Investment Fund (MIF) ng 2023 upang masigurado ang tagumpay nito at makinabang ang mga Pilipino.

Ipinasa na ng Senado kaninang madaling-araw ng Miyerkules Mayo 31 ang Senate Bill No. 2020 o ang panukalang MIF sa botong 19 affirmative, isang negative, at isang abstention.

Sinabi ni Cayetano na mayroong mga mahahalagang prayoridad na nangangailangan ng mas madiing-pansin.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), anim sa sampung Pilipino ay namamatay nang hindi nakakakita ng doktor. Sinabi rin niya na may 16-K na barangay na walang primary health unit o health center.

Sinabi ni Cayetano na isang paraan ng pagtugon sa mga agarang na problema na ito ay ang pagtatalaga ng P500-B seed capital ng MIF sa mga kritikal na pangangailangan ng sektor ng edukasyon, agrikultura, imprastraktura, at kalusugan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter