Sen. Angara bukas maging kalihim ng DepEd

Sen. Angara bukas maging kalihim ng DepEd

BAGAMAT wala pang pormal na alok mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay naghayag na bukas si Senador Sonny Angara na maging susunod na kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sa isang ambush interview sa Baler. Aurora sinabi ni Angara na bukas siya dito sakaling pagkakatiwalaan siya ng pangulo.

Matatandaan nagbitiw si Vice Presidente Sara Duterte bilang kalihim ng nasabing ahensya kamakailan.

Una namang itinutulak ng mga senador si ANgara sa nabakanteng posisyon dahil sa lalim at lawak ng kanyang background sa sektor ng Edukasyon.

”Lubos tayong nagpapasalamat sa ating mga kasamahan kay Senate President Escudero, former Senate President Zubiri, Sen Win Gatchalian, Jv Ejercito, Joel Villanueva nagpapasalamat tayo sa kanilang vote of confidence. katrabaho ko sila so alam nila na kapag tyrabaho alam niya na seryoso,’’ ayon kay Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara.

Kaugnay nito sinabi naman ni Senate president Francis Chiz Escudero na hindi na kailangan ng isang  special election para punan ang sakaling mababakanteng pwesto ni Angara sa senado.

Ipinunto ni Chiz na magtatapos na rin kasi ang termino ni Angara sa 2025.

‘’The term of Senator Angara will be expiring in June 2025 anyway. SA tingin ko di na yan kailangan fillupan pa ng special election na gagastos lamang. So sa tingin ko ay hintayin na lamang na mag expire yun. So if the senator will accept it if he is appointed there will be only 23 senators,’’ saad ni Sen. Francis Chiz Escudero, Senate President.

June 19 nang nagsumite ng kanyang resignation letter si VP Sara sa pangulo.

Bagamat wala siyang sinabing dahilan sa pagbibitiw ay sinabi naman niya na hindi ito isang senyales ng kahinaan bagkus ito ay bilang pagmamahal niya para sa mga guro at estudaynte.

Matapos ang sampung araw ay sinabi naman ni Pangulong marcos na hirap siyanag makahanap ng kapalit sa iniwang posisyon sa gabinete ni VP Inday Sara at nais niyang bigyan ang kanyang sarili ng mas mahabang panahon para makapamili sa kung sino ang kanyang itatalaga sa nasabing puwesto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble