SINABI ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na nais niyang gayahin si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil ayaw magpatawag na politician ng Butihing Pastor.
“Ako din kahit naka 1 term na ako sa pagkasenador, gagayahin ko si Pastor, I don’t want to be called a politician dahil hindi naman talaga ako politiko, ang aking ugali. I am not always politically correct in all my statements and in all my actions pero galing sa puso,” pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Napakagaling aniya ni Pastor Apollo na kahit nasa politika na ay hindi pa rin nagpapatawag na politiko kundi isang lider.
Binanggit ito ng senador nang dumalo siya sa proclamation rally ni Pastor Apollo na ginanap sa Ynares Sports Center, Pasig City.
Follow SMNI News on Rumble