Sen. Bato, ‘di na gaanong umaasa na madagdagan ang budget ng OVP para sa 2025

Sen. Bato, ‘di na gaanong umaasa na madagdagan ang budget ng OVP para sa 2025

HINDI na gaanong umaasa si Sen. Bato Dela Rosa na madagdagan ang kasalukuyang P733M na panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.

Ito’y kahit isalang sa Bicameral Conference Committee ngayong araw, Nobyembre 28, 2024.

Sinabi niya ito matapos inaprubahan na ng Senado ang kanilang bersiyon ng 2025 General Appropriations Bill.

Nakasaad aniya doon ang parehong budget para sa OVP mula sa Kamara na nagkakahalaga nga ng P733M.

Makikitang malaki-laki ang tinapyas ng Mababang Kapulungan mula sa ipinanukala sanang P1.3B ng OVP para sa 2025.

Binigyang-diin naman ni Sen. Bato na sinubukan na nila Sen. Bong Go, Sen. Joel Villanueva at Sen. Imee Marcos na magkaroon ng adjustments para sa budget ng OVP.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter