Sen. Bato: Dynamics ng Senado, posibleng mabago kung magiging senador sina FPRRD at Arroyo

Sen. Bato: Dynamics ng Senado, posibleng mabago kung magiging senador sina FPRRD at Arroyo

USAP-usapan ngayon sa politika ang posibilidad na tumakbong senador sa 2025 si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

At kung mangyari ito, tiyak na magiging makulay ang Senado bago ang 2028 presidential race.

Sa panayam sa programang Pulso ng Bayan sa SMNI, binigyan ng scenario si PDP-Laban Sen. Bato dela Rosa sa posibleng maging dynamics sa Senado pagkatapos ng 2025 mid-term elections.

Lalo na kung tatakbo ring senador si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kilalang magka-alyado sina Arroyo at Duterte.

Inamin naman ni dating Pangulong Duterte na kinukumbinsi siya ni Arroyo na tumakbong senador.

Ito aniya ang pinag-usapan nila nang magkita-kita sa Metro Manila kasama sina dating Executive Secretary Bingbong Medialdea at former Senate President Tito Sotto III.

At kung manalo raw siya,

“Unless maybe I become a senator one of these days and stand there in the Senate at bibirahin kayo nang bibirahin. Diyan tayo magka-letse-letse na,” saad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Hindi naman inaalis ni Duterte ang posibilidad na tumakbong senador sa 2025 mid-term elections.

Pero, tutol aniya dito ang kaniyang mga anak lalo na ang bunsong si Kitty.

Binanggit din ng dating Pangulo na matanda na siya para bumalik pa sa gobyerno.

Sa pinakahuling Publicus Asia Survey nitong Setyembre, nanguna si Duterte sa mga ibobotong senador sa susunod na eleksiyon.

Kapag nangyari ito, magkakaroon ng solidong suporta ang anak niyang si Vice President Sara Duterte sa Senado.

At kung may House of Representatives si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. dahil sa pinsan niyang si House Speaker Martin Romualdez.

Magiging Sara country naman kaya ang Senado kung magkakaroon doon ng Digong sa 2025?

Lalo na kung magiging senador ang dating dalawang Pangulo ng Pilipinas.

Sa katauhan nina dating Pangulong Duterte at GMA.

“Well, magandang scenario ‘yan at lalakas, lalakas ‘yung ating block diyan sa Senado kapag marami tayong kaalyado na tatakbo at mananalo. Mas lalo tayong lalakas diyan,” ayon kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa | Miyembro ng PDP-Laban.

Follow SMNI NEWS on Twitter