HANDANG samahan ni Sen. Bato Dela Rosa si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherlands.
Ang pahayag ng senador ay kasunod ng pagbasura ng Korte Suprema sa hiling na temporary restraining order para mapigilan sana ang pagpapatupad ng arrest warrant laban kay FPRRD.
Kasabay rito, sinabi ni Bato na hihingi siya ng proteksiyon mula sa Senado kung saan, hangga’t maaari, ay hindi siya isusuko sa International Criminal Court (ICC) sakaling may ilalabas na ring arrest warrant laban sa kaniya.
Batay sa Section 11, Article VI ng 1987 Constitution, mayroong pribilehiyo ang isang senador o sinumang kasapi ng House of Representatives na hindi maaresto sa lahat ng kasong may parusang hindi hihigit sa anim na taong pagkakakulong habang ang Kongreso ay naka-sesyon.
Follow SMNI News on Rumble