BINIGYANG-diin ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi siya natatakot sa posibleng paghuli sa kaniya ng International Criminal Court (ICC).
Ayon sa senador, kung sakaling isang araw ay lumabas ang kaniyang warrant of arrest at arestuhin siya ng Philippine National Police (PNP), magiging ilegal ang lahat ng kanilang hakbang dahil hindi ito nagmumula sa lokal na awtoridad ng Pilipinas.
Nanawagan siya sa taumbayan na magising sa katotohanan ng mga nangyayari at huwag magpadala sa galit. Pinayuhan din niya ang publiko na manatiling kalmado upang hindi mabigyan ng dahilan si Pangulong Marcos Jr. na magdeklara ng Martial Law.
Follow SMNI News on Rumble