HINDI tutungo sa ibang bansa si Sen. Bato dela Rosa para tumakas sakaling ipapaaresto sila ng International Criminal Court (ICC) dahil sa drug war campaign.
Tanging hihilingin niya lang ang suporta ng publiko kung papahintulutan nga ng pamahalaan ang kaniyang pagkaaresto.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay kakausapin niya rin si Bongbong Marcos Jr. para umapela na protektahan ang soberaniya ng Pilipinas at hindi susuko sa hurisdiksiyon ng iba.
Matatandaang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla na hindi mapipigilan ng bansa ang Interpol na magsilbi ng arrest warrants lalo na kung magpapatulong sa kanila ang ICC.
Ang Pilipinas, hindi man sakop ng ICC ay sakop naman ng Interpol.