Sen. Bato nagpahayag ng suporta kay BuCor chief Catapang

Sen. Bato nagpahayag ng suporta kay BuCor chief Catapang

NAGPAHAYAG ng suporta si dating Bureau of Correction (BuCor) chief Senator Ronald Bato dela Rosa sa kasalukuyang BuCor chief retired General Gregorio Pio Catapang sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Nilinaw ni Dela Rosa na wala silang intensiyon na palitan o tanggalin si Catapang sa puwesto matapos na makita ang mga nagpro-protesta ang mga kamag-anak ng person deprived of liberty (PDL) sa labas ng gate papasok ng NBP.

Iginiit ni Dela Rosa na kung kanilang tatanggalin si Catapang, kawawa na lahat ng magiging BuCor chief kung kaya’t kailangan nilang suportahan si Catapang para mas magawa nito ang paglilinis sa hanay ng BuCor.

Sa naturang pagdinig, ipinakita naman ni Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Francis Tolentino ang mga videos na pinapasok ang ilegal na droga sa pamamagitan ng food delivery sa mga PDL.

Agad naman na pinasinungalingan ito ni Catapang dahil malinaw sa video na hindi sa loob ng NBP Maximum Compound ang kuha ng video at hindi rin nakauniporme ang sinasabing PDL na nagrerepack ng shabu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble