Sen Bato nagpaliwanag ng pagbabago ng estratehiya laban sa arrest warrant ng ICC sa kaniya

Sen Bato nagpaliwanag ng pagbabago ng estratehiya laban sa arrest warrant ng ICC sa kaniya

NAGPALIWANAG si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kung bakit nagbago ang kaniyang estratehiya kung sakaling dumating ang warrant of arrest laban sa kaniya mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa kaniya, pabago-bago kasi ang salita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Ako pa? ‘Yung atin namang mga ginagawa ay purely reactions lamang. Magbago sila, magbago rin tayo. Alangan hindi tayo magbabago eh lugi tayo kung hindi tayo magbago, ‘di ba? Sila pabago-bago, mag-adjust din tayo sa kanila, hanggang reaction lang naman tayo. Sila ang nagbibigay ng stimulus sa ating reaction,” saad ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Una na aniyang sinabi noon ni Pangulong Marcos kay Bato na ni buhok niya’y hindi maaaring hawakan ng ICC.

Bilang isang nagtapos sa Philippine Military Academy, sinabi ni Dela Rosa na ang pagpaplano ng iba’t ibang opsiyon para harapin ang inaasahang arrest warrant ay bahagi ng kaniyang survival strategy.

“Hindi pupwedeng magiging fixed tayo. Otherwise, sitting ducks tayo kapag tayo’y fixed ang ating posisyon… Sana maintindihan ninyo. I have to survive. I have to survive all these trials that are thrown before us,” aniya pa.

Naninindigan si Dela Rosa na walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas dahil umalis na ang bansa sa Rome Statute. Dati siyang nanguna sa anti-illegal drug campaign ng administrasyong Duterte, kung saan tinatayang umabot sa 1.6 milyong drug dependents ang sumuko sa gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble