Sen. Bato opisyal na inanunsiyo ang muling pagtakbo sa Senado

Sen. Bato opisyal na inanunsiyo ang muling pagtakbo sa Senado

OPISYAL nang inanunsiyo ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang kaniyang muling pagkandidato sa pagkasenador.

Ito ay matapos siyang iprisenta ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) bilang official candidate para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Sen. Bato, patuloy niyang paglilingkuran ang mga Pilipino sa gitna ng kaniyang dinadanas na political persecution.

Matatandaan na ilang beses nang iniuugnay ang senador sa extra judicial killings sa mga pagdinig sa Kamara.

Bukod kay Dela Rosa kabilang din sa tatakbo sa halalan sa ilalim ng PDP ay si Sen. Christopher “Bong” Go at ang dating artista na si Philipp Salvador.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble