Sen. Bato, pag-aaralan ang “authenticity” ng email mula sa ICC

Sen. Bato, pag-aaralan ang “authenticity” ng email mula sa ICC

PAG-aaralan pa ni Sen. Bato dela Rosa ang authenticity ng natanggap nitong email mula sa International Criminal Court (ICC).

Ang nilalaman ng email ayon sa senador ay ang pagnanais ng ICC na makapanayam siya kaugnay sa drug war campaign noon ng Duterte admin.

Sa kabila nito ay sinabi ni Dela Rosa na pinag-iisipan niyang pagbigyan ang korte kung totoong mula sa ICC ang email.

Matatandaang sinabi ng Office of the Solicitor General na hindi haharangan ng pamahalaan ang ICC prosecutor kung nais nitong makapanayam ang limang ikinokonsidera nilang suspek sa drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang mga pinangalanang suspek ay sina Sen. Bato kasama ang dating mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) gaya nina Oscar Albayalde, Edilberto Leonardo, Eleazar Mata at dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at kasalukuyang North Luzon Commander Major General Romeo Caramat Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble