NANAWAGAN si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na maging mapagmatyag ang lahat upang matiyak na hindi mapunta sa maling kamay ang pondo ng 2025 national budget.
“Kung ‘yan ay napirmahan na at ganap nang batas, sana pagbabantayan ngayon ng ating mga kababayan ang implementasyon ng budget na ‘yan.”
“Sana, vigilant tayo lahat na hindi mapunta sa bulsa ng mga taong gustong makinabang.”
“Dapat lahat tayong vigilant pagdating sa implementasyon ng batas na ito, na nag-authorize sa paggastos ng pondo ng bayan para sa mga proyekto at mga programa ng gobyerno sa taong ito,” ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.