MALINAW na ipinaliwanag ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang kalagayan ng bansa sa pagkakaroon ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Estados Unidos.
Aniya, malinaw ang naging reaksiyon ng Tsina sa bansa nang magkaroon ng EDCA, bagay na nagpapakita na tinamaan umano ang kanilang interes.
Pero sa kabila ng napagkasunduan ng bansang Pilipinas at Amerika, umaasa ang senador na sa oras na magkaroon ng ‘di inaasahang banggaan sa pagitan ng Tsina at Amerika ay magiging tapat ang Estados Unidos sa kanilang ipinangako sa bansa.
Dagdag pa ni Bato, kung sakaling sumiklab ang gulo sa pagitan ng Amerika at Tsina, ay nilinaw nito na nasa ilalim pa rin ng pangangasiwa ng Philippine Government ang mga EDCA sites.
Sa kabilang banda naman ay ibinahagi ng senador kung ano ang maidudulot ng pagkakaroon ng EDCA sites sa mga lugar na malapit dito.
Sa huli ay binigyang-diin ni Sen. Dela Rosa na wala tayong pinapanigang bansa, bagkus tayo ay para lamang sa kabutihan ng mamamayang Pilipino.